Nagbigay ang Scotiabank sa mga newcomer sa Canada ng head start na may espesyal na alok

Community News & Features Jun 28, 2019 at 2:18 pm

Scotiabank_StartRight_16_Sasha_0354_r2[3]Ang StartRight® Program na alok sa pagpapalista ay may kasamang $522 na bonus at ipon

TORONTO–Ang Scotiabank, ang bangko para sa mga newcomer, ay nalulugod na handugan ang mga bagong Canadian ng nakasasabik na promosyon na may mahigit sa $500 mga bonus at ipon sa pamamagitan ng matagumpay nitong StartRight® Program. Dahil wala itong mga buwanang bayad sa account sa unang taon at pinasimpleng access sa pag-apruba ng credit card, ang StartRight® program ng Scotiabank ay nakakatulong sa mga newcomer sa lahat ng kanilang mahahalagang pangangailangan sa pagbabangko at binibigyan ang mga pamilya ng mga magagamit para magtagumpay habang nagsisimula sila ng bagong buhay sa Canada.

Kasama sa limitadong panahong handog ng Scotiabank sa mga newcomer ay:• $300* cash kapag nagbukas ka ng Checking Account hanggang sa Hunyo 2019.

• Magbangko nang walang buwanang bayad ng isang taon.

• Walang limitasyong mga e-Transfer at transaksiyon.

• Libreng maliit na safety deposit box para sa isang taon.

• 10% down lang para sa utang para sa bagong sasakyan para sa mga permanenteng residente.

• Hindi kailangan ng Canadian credit history para sa mga credit card.

Ang mga pinagkakatiwalaang Pinansiyal na Tagapagpayo ng Scotiabank ay malalapitan din para tumulong sa mga newcomers na magtatag ng pundamental na pangangailangan sa pagbabangko sa pamamagitan ng pagpapayo at pagturo sa mga pamilya sa mga pinakamahusay na dulugang makukuha. Makakapagbigay ang mga tagapagpayo ng impormasyon sa mga espesyal na solusyon sa pagbabangko sa Scotiabank para sa mga newcomer at nararapat na credit card para magsimulang bumuo ng Canadian credit history.

Nauunawaan ng Scotiabank na ang pagsisimula ng bagong buhay sa Canada ay maaaring kumplikado at ang mga newcomer ay maaaring magkaroon ng maraming tanong. Nilikha ng Scotiabank ang StartRight® Program para padaliin sa mga newcomer at mga internasyonal na mag-aaral na mamuhay at magbangko Sa Canada. Bawat buwan, ang mga bagong artikulo ay nilalathala sa Life in Canada blog sa StartRight® website na may napapanahong impormasyon at dulugan para matulungan ang mga pamilyang umayon sa buhay sa Canada.
“Ang paglipat sa bagong bansa at alamin lahat ng mga pangangailangan niyo sa pagbabangko ay maaaring nakakalito kapag walang tamang suporta,” sabi ni Munsif Sheraly, Director of Multicultural Banking sa Scotiabank. “Sa aming StartRight na promosyon, gusto naming i-welcome ang mga bagong Canadian gamit ang pagbabangkong package na mas magpapadali sa buhay nila sa kanilang pagdating.”

Para magsimula, pumunta sa StartRight® website, isang one-stop na destinasyon para sa mga nagbabalak o naghahandang manirahan sa Canada.

———————

Tungkol sa Scotiabank

Ang Scotiabank ay ang internasyonal na bangko ng Canada at nangungunang tagapaglaan ng serbisyong pinansiyal sa Americas. Nakatuon kami na tulungan ang mahigit pa naming 25 milyong kostumer na mas bumuti sa pamamagitan ng malawak na saklaw ng payo, mga produkto at serbisyo, kabilang ang personal at komersiyal na pagbabangko, pamamahala ng yaman at pribadong pagbabangko, pang-korporasyon at pamumuhunang pagbabangko at mga merkado ng puhunan. Sa pangkat nito ng mahigit sa 98,000 empleyado at ari-arian na may mahigit sa $1 trilyon (mula noong Enero 31, 2019), nagte-trade ang Scotiabank sa Toronto Stock Exchange (TSX: BNS) at New York Stock Exchange (NYSE: BNS). Para sa higit pang impormasyon, manyaring bumisita sa www.scotiabank.com at sundan kami sa Twitter @ScotiabankViews.

(PRESS RELEASE)