Mamamayan vs Duterte-Marcos
Mamamayan vs Duterte-Marcos
November 18, 2021
Kailangang magkaisa ang sambayanang Pilipino para pigilang muling maghari ang dinastiya ng mga kurakot na tirano at diktador.
By Pinoy Weekly
Malagim ang hinaharap ng Pilipinas kung mananalo ang paksyong Duterte-Marcos sa Halalan 2022. Kailangang magkaisa ang sambayanang Pilipino para pigilang muling maghari ang dinastiya ng mga kurakot na tirano at diktador.
Napatunayan sa mala-sirkus na pagpapalit-palit ng kandidato kung gaano kadesperado ang paksyong Duterte-Marcos na manatili sa kapangyarihan para protektahan ang kani-kanilang interes at ganansya.
Si Pangulong Duterte, gustong titiyakin na makapagpanalo ng kandidatong pinakama-asahan at pinakamatapat sa kanya. Inaasahan niya ang anak na si Mayor Sara Duterte at alalay na si Senador Bong Go para isalba siya sa nakaambang patung-patong na kaso ng paglabag sa karapatang pantao, korupsyon at pagbebenta ng soberanya ng bansa.
Comments (0)