Sa mga nagtutulak ng mandatory ROTC: Leave them kids alone!
Sa mga nagtutulak ng mandatory ROTC: Leave them kids alone!
RAPPLER EDITORIAL
At ano ang magpapagaling sa ‘mental health’ ng kabataan, Secretary Galvez? Ito ba ang borderline sadistic methods ng PMA at PNPA na may mahabang listahan ng hazing victims at psychological harms?
“Nakakagaling ng mental health issues” ang ROTC.
Maraming napamura sa henerasyon naming dumanas ng sapilitang pagsasanay sa Reserve Officers’ Training Corps nang marinig ang pahayag ni Defense Secretary Carlito Galvez. Obvious ba? Walang alam ang kalihim sa mental health.
Comments (0)