Paghanda ng Damdamin
Paghanda ng Damdamin
Sa Mga Bagong Dating sa Canada
TORONTO– Ang pinakamahusay na payo ng mga bagong dating sa Canada sa mga nais sumunod sa kanilang mga hakbang ay ang paghahanda ng isipan, kabilang na ang paghahanda sa mga pagpapakasakit na nakapaloob sa paglipat sa bansang ito, ayon sa isang tala ng RBC.
Mahigit sa (58 porsiyento) ang nagsasabi na ang panghahanda sa kaisipan ay siyang susi, at halos ikatlong bahagi (30 porsiyento) na nagtakda na ang mga pagpapakasakit o ang mga katumbas nito ay maaaring gawin at 28 porsiyento ay nagsasabi na ang pagiging positibo at mapagtiis ay makakatulong sa pagkakamit ng mga resulta na pangmatagalan.
“Ang paglipat sa isang bagong bansa ay isang pagpapasya sa pagbabagong-buhay at ang pagiging handa ng kaisipan sa mga paghamon sa kakaibang kultura ay tunay na makakatulong sa matagumpay na paglipat,” ayon kay Camon Mak, direktor ng Multicultural markets, RBC. “Maraming mga bagong dating ay nakapako ang isipan sa mga pagbabgo sa pangkatawan at mga bagay na pananalapi na kasama sa bawat paglipat, ngunit ang pagtatatag ng isang network na makatutulong at pakikipag-ugnay sa komunidad ay mahalaga rin.”
Ayon sa tala ng RBC, 47 porsiyento ay nagsagawa ng pananaliksik sa internet upang higit na maunawaan ang buhay sa Canada, habang higit sa kalahati (54 porsiyento) ang nagsabi na bago sila dumating dito, ihinanda nila ang kanilang sarili sa mga bagay na panlipunan sa paglipat sa Canada, sa pamamagitan ng:
• Pagpapaalam sa mga kamag-anak/ kaibigan nila na naninirahan sa Canada tungkol sa kanilang layunin sa pagpunta dito at nang sa gayon ay mabigyan sila ng mga kamag-anak/ kaibigan ng tulong at payo (33 porsiyento)
• Sariwain ang kanilang mga kaalaman sa wika (33 porsiyento)
“Mayroong mga paraan upang makatulong ang RBC sa mga imigrante bago sila lumipat. Halimbawa, ang aming sangay sa Beijing ay naghahandog ng payo tungkol sa buhay sa Canada at kung ano ang dapat asahan sa paglapag, tumutulong sa pagbubukas ng lagak sa bangko kung kailanman maaari, at pagpapakilala ng mga kliente sa lokal na sangay,” dagdag ni Mak. “Sa pamamagitan ng aming website, sinuman sa buong mundo ay maaaring makipag-ugnay sa isang tao sa RBC na nakakapagsalita ng kanilang wika, sapagkat kami ay naghahandog na ngayon ng tulong sa pagbabangko higit sa180 na wika.”
Ang mga matatag na bagong dating ay nagtala din na ang tagumpay sa Canada ay hindi masusukat lamang sa kalagayan na pananalapi o karera. Halos kalahati (46 porsiyento) ng mga bagong dating na nanirahan na sa Canada ay itinuturing ang tagumpay batay sa “pag-iisip/diwa”, kabilang na ang panloob na kapayapaan at lakas, pagtatamasa ng mga maliliit na pangyayari sa kanilang pang-araw-araw na buhay at pagmamahal. Sa katunayan, ang mga babae na bagong dating ay lamang kaysa sa mga lalaking bagong dating na gumamit ng pag-iisip/diwa bilang sukatan (54 porsiyento kumpara sa 39 porsiyento), habang ang mga lalaking bagong dating ay lamang kaysa sa mga babaeng bagong dating na ituring ang tagumpay batay sa kanilang karera (57 porsiyento kumpara sa 47 porsiyento).
Higit pa sa 7 henerasyon, ang RBC ay sumusuporta sa mga bagong dating sa pagbibigay ng mga pamamaraan at mga bagay na makatutulong sa pagbibigay ng maayos na kalagayan sa bagong bansa. Ang RBC Welcome to Canada package ay makatutulong sa mga bagong dating sa Canada ng mababa sa tatlong taon at siyang magiging susi nila sa pagpapasya tungkol sa pananalapi at kabilang ang payo at mga diskuwento sa mga produkto at mga serbisyo. Ang mga detalye sa RBC Welcome to Canada banking package, at ang gabay-aklat, “Understanding Banking in Canada”, gayon din ang mga tagahanap ng sangay na kumikilala sa mga kinatawan nito na nagsasalita ng hanggang sa 180 na wika, ay matatagpuan sa www.rbc.com/settlequick.
(PRESS RELEASE)
Comments (0)