Online na atake sa midya, konektado sa militar
Online na atake sa midya, konektado sa militar
Ipagkaila man ng militar at iba pang ahensiya ng gobyerno, matutunton pa rin ng mga eksperto na sa kanila nagmula ang atake sa mga website ng alternatibong midya.
September 29, 2021
By Andrea Jobelle Adan
Mula sa computer network ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang online na atake sa Bulatlat at Altermidya. Ayon ito sa paunang imbestigasyon ng Computer Emergency Response Team (Cert-PH) ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Kinupirma ng Cert-PH sa isang kompidensiyal na report ang noon pang lumitaw sa imbestigasyon ng Qurium Media Foundation, ang Sweden-based hosting provider ng dalawang pahayagan.
“Noong binalita namin ang resulta ng imbestigasyon ng Qurium, nagpanggap na walang alam ang AFP at naglabas pa ng pahayag na suportado nila ang kalayaan sa pamamahayag,” sabi nila sa isang joint statement. Ito ang dahilan bakit pinili nilang ilathala ang resulta ng kompidensiyal na imbestigasyon ng DICT.
Makailang beses nang naging biktima ng Distributed Denial of Service (DDoS) attacks ang Bulatlat at Altermidya. Dito, pansamantalang hindi mabubuksan ang isang website dahil sa biglaan at sistematikong pagdumog sa website hanggang sa hindi na kayanin ng server ang “online traffic.”
Comments (0)