Naging datos na lang
Naging datos na lang
October 8, 2021
“Tila naging datos na lamang ang mga nawalan ng trabaho at kabuhayan. Natukoy nga ang estadistika, wala namang makabuluhan at sustenableng tulong o ayuda para sa mga naapektuhan.”
By Pinoy Weekly
Lumaas na naman muli ang unemployment rate sa bansa. Mula 6.9 porsiyento noong Hulyo ng kasalukuyang taon, umabot ito sa 8.1 porsiyento nitong nakaraang Agosto na katumbas ang 3.88 milyong Pilipino na walang trabaho.
Malaking salik sa paglaki ng bilang ng walang trabaho ang pagpapatupad sa ikatlong pagkakataon ng enhanced community quarantine (ECQ) noong Agosto bunsod ng papapalaking bilang ng kaso ng Covid-19 at ang banta ng Delta variant nito.
Bago pa man ang mas mahigpit na lockdown noong Agosto, alam na ng economic managers ng administrasyon na lalaki ang bilang ng mawawalan ng trabaho. Nauna nang nabanggit ni National Economic Development Authority secretary Karl Chua na 444,000 trabaho ang mawawala kasama ang may ng P105 bilyon pagkalugi sa ekonomiya.
Comments (0)