Nasaan ang pondong inutang?
Nasaan ang pondong inutang?
November 13, 2021
By Pinoy Weekly
Umabot na ng P11.92 trilyon ang kabuuang pagkakautang ng Pilipinas nitong Setyembre, pinkamataas sa kasaysayan ayon sa inilabas na datos ng Bureau of the Treasury.
Umabot na ng P11.92 trilyon ang kabuuang pagkakautang ng Pilipinas nitong Setyembre, pinkamataas sa kasaysayan ayon sa inilabas na datos ng Bureau of the Treasury. Lumobo ito ng 27.2 porsiyento mula sa P9.37 trilyon noong 2020 lang.
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang bansang may pinakamalaking inutang sa World Bank. Umabot sa P154.44 bilyon ngayong taon ang inutang ng bansa, halos doble sa ng halagang P94.14 bilyon noong 2020.
Malalaking numero ito — sangkatutak na yaman na hindi masisilayan ng isang karaniwang Pilipino. Ang lagay, nararamdaman ba ng mga mamamayan na sa pag-asenso ng bayan napupunta ang bilyones na ito?
Hindi pa rin sapat ang nilalaang pondo ng gobyerno para sa pagtugon sa pandemya, lalo na sa sektor ng kalusugan. Nangungulelat ang Pilipinas sa pagkakaroon ng epektibong plano at aksyon sa pagkalat ng sakit.
Comments (0)