Sala sa init, sala sa lamig
Sala sa init, sala sa lamig
December 9, 2021
Kailangang ng mamamayang Pilipino ang kanilang nagkakaisang lakas upang wakasan na ang mga mapanirang gawi na dala ng pandaigdigang sistema ng kapitalismo.
By Pinoy Weekly
Bulnerable at tiyak na nasa peligro ang mga bansang katulad ng Pilipinas sa mabilis na pagbabago ng klima ng daigdig.
Umiinit ang temperatura ng mundo, tumataas ang lebel ng tubig sa karagatan dahil sa pagkatunaw ng yelo sa North Pole. Nararamdaman na natin na painit nang painit ang tag-init at palakas nang palakas ang mga bagyo tuwing tag-ulan.
Nanganganib din ang Pilipinas sa paglubog ng mga komunidad sa baybayin at mga mas maliliit na isla. Tinatayang tumataas ang tubig ng 12.13 mm kada taon sa Manila Bay, mas mataas nang apat na beses sa pandaigdigang pamantayan ayon sa pag-aaral ng Coastal Sea Level Rise Philippines Project.
Patuloy naman ang gobyerno ng Pilipinas sa pakikipagsabwatan sa malalalaking dayuhan at lokal na negosyante para sa mga proyekto at gawaing mapanira sa kalikasan tulad ng malalaking dam, minahan, plantasyon, pananim na genetically modified, patuloy na paggamit ng fossil fuel at coal, at iba pa.
Comments (0)