Paano pinipili ang mga appointee sa Comelec, COA, at CSC?
Paano pinipili ang mga appointee sa Comelec, COA, at CSC?
Nitong mga nakaraang linggo, nakita natin ang sunod-sunod na appointment o pagtatalaga sa mga pinuno ng Commission on Elections (Comelec), Commission on Audit (COA), at Civil Service Commission (CSC).
Sa Comelec, si Saidamen Pangarungan ay itinalagang Chair at sina Aimee Neri at George Garcia naman bilang mga Commissioner. Si Rizalina Justol, dating City Accountant ng Davao City, ay itinalagang Chair ng COA. Samantalang si Cabinet Secretary Karlo Nograles ay itinalaga namang Chair ng CSC.
Personal kong kilala si George Garcia at si Karlo Nograles, at alam kong mapagtiwalaaan sila sa bago nilang posisyon. Ngunit kapansin-pansin na ang ilan sa kanila ay may malapit na relasyon kay Pangulong Duterte. Ang tanong: dapat nga ba natin itong ikabahala?
Comments (0)