Kapangyarihan ng iisang pagkilos
Kapangyarihan ng iisang pagkilos
Sa Emerald Avenue, Pasig, sabay-sabay kumanta ng Lupang Hinirang ang lagpas sa sandaang libong mga dumalo sa campaign rally ng Robredo-Pangilinan tandem. Nakakapangilabot ang eksena. Pero hindi dito nagtatapos ang imahe ng libo-libong nagkakaisang mamamayan.
Sa Tondo, sama-samang nagmartsa ang masa na sumusuporta sa Makabayan bloc. Labas sa mga ganap sa halalan, nariyan ang mga makapangyarihang litrato ng mga tsuper at mangingisda sa kanilang protesta laban sa oil price hike. Magkaibang sektor ito, pero nagkakasalubong ang adhikain.
Ngayong papalapit ang eleksiyon, may sapat na dahilan naman para ilista at pansinin kung sino ang sinusuportahan ng iba’t ibang political dynasty, mga naghahari-hariang opisyal sa mga lungsod at rehiyon. Syempre, maapektuhan ng mga endorsement na ito ang direksyon ng halalan dahil sa mga hayag at hindi hayag (under the table) na dahilan. Kaninong apelyido ang makakapagparami ng boto?
Comments (0)