ICC muling bubuksan ang imbestigasyon sa drug war ni Duterte
ICC muling bubuksan ang imbestigasyon sa drug war ni Duterte
By Pinoy Weekly
Inirekomenda ni International Criminal Court Chief Prosecutor Karim Khan na muling buksan ang imbestigasyon sa madugong kampanyang kontra-droga ng administrasyong Duterte na kumitil sa libu-libong buhay ng mamamayan.
Sa pamamagitan ng 53-page request na kaniyang ipinasa sa Pre-Trial Chamber I ng ICC, binanggit ni Khan na hindi nagpapakita ng hakbang ang gobyerno ng Pilipinas para imbestigahan ang mga patayan na naganap magmula 2011 habang alkalde pa ng Davao City si Rodrigo Duterte hanggang 2019 nang nasa ikatlong taon siya bilang pangulo ng bansa.
Nobyembre 2021 nang pansamantalang ihinto ng ICC ang imbestigasyon bilang tugon sa deferral request na ipinasa ng pamahalaan ng Pilipinas alinsunod sa Artikulo 18 (2) ng Rome Statute. Ipinunto ng gobyerno na may lehitimong imbestigasyon silang ginagawa sa mga kaso.
Comments (0)