Tala Salitaan 0808: Labor Export
Tala Salitaan 0808: Labor Export
By Pinoy Weekly
Labor Export – pagbubukas ng pinto para sa mga trabaho ng manggagawa sa ibang bansa. Maraming manggagawang Pilipino ang nahihikayat magtrabaho sa ibang bansa dahil sa mababang sahod at kawalan ng trabaho sa loob ng ating bansa.
Sa ilalim ng diktador Ferdinand Marcos Sr. nagsimula ang Labor Export Policy (LEP) sa pamamagitan ng Presidential Decree 442, mas kilala bilang Labor Code of 1974. Ito ay pansamantalang pantapal sa krisis ng bansa dahil sa malalang disempleyo noong dekada ‘70, at mula noo’y naging permanente nang patakaran.
Nang mapatalsik si Marcos ipinagpatuloy ng administrasyong Cory Aquino hanggang kay Noynoy Aquino, iba’t ibang iskema ang permanenteng pagpapatupad ng LEP bilang kasangkapan at programa sa paglikha ng trabaho. Sa ganitong reorganisasyon, pinalakas ni Aquino ang pakikisangkot ng gobyerno sa LEP at lalo itong itinaguyod bilang patakarang pang-estado sa paglikha ng trabaho, sa halip na patibayin ang industriya ng bansa at gawing moderno ang sektor ng agrikultura upang makapagbigay ng sapat at sustenableng trabahong lokal sa mga Pilipino, isinusulong pa rin ang labor export policy.
Comments (0)