2023 Budget: Barat sa Mahihirap, Sagana sa Negosyo at Korap
2023 Budget: Barat sa Mahihirap, Sagana sa Negosyo at Korap
By Carlos Maningat
PinoyWeekly.org
Taliwas sa islogang “Bayan Babangon Muli,” sinasalamin ng unang panukalang badyet ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang patakaran ng pagbarat at panunupil sa mga mahihirap, kahit sa panahong hikahos ang mas maraming pamilyang Pilipino. Samantala, pinalobo ang alokasyon para sa pambayad-utang at sa pakinabang ng iilan.
Sa kabuuang P5.268 trilyong 2023 National Budget, halos ?, o P1.6 trilyon ay nakalaan para sa bayad-utang at P1.196 trilyon para sa “Build Better More” na bagong pakete sa palpak na programang pang-imprastraktura ni Duterte. Sa kabilang banda, mumo ang inilaan sa cash assistance programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Comments (0)