Budol badyet ni Marcos
Budol badyet ni Marcos
By Pinoy Weekly
Pinasa ng Malakanyang sa Kongreso ang panukalang badyet ng gobyerno para sa susunod na taon. Nagkakahalaga ito ng P5.268 Trilyon. Halos limang porsiyento ito na mas malaki kaysa kasalukuyan.
Pera ito ng taumbayan, ng bawat Pilipino. Pero saan dadalhin ni Marcos ang perang ito?
Sa bawat 10 piso na gugugulin ng gobyerno, halos 3 piso nito ay pambayad utang lang. May P1.6-T ang inilaan para dito, P582.32 Bilyon sa interes, at P1.02-T sa prinsipal na utang. Gayunman, tinatayang aabot pa rin sa P14.63-T ang utang ng bansa sa susunod na taon. Ang tanong, tayo ba ang nakinabang sa utang na ito?
Mas malaki pa ang inilaan sa mga proyektong imprastraktura tulad ng mga airport, tulay at kalsada, kaysa pabahay, ospital at silid-aralan.
Comments (0)