Kultura ng paglimot – ‘yan ang kasalanan natin nitong 50 taon
Kultura ng paglimot – ‘yan ang kasalanan natin nitong 50 taon
RAPPLER EDITORIAL
Malaking palaisipan ang kambal na alaala natin sa Martial Law: ang isa’y madilim at nakapangingilabot, at ang isa’y tila alamat ng masaya at marangyang buhay.
At bakit bulnerable tayo – sa wikang Ingles “sucker” – sa ganitong mga kuwentong kutsero?
Pakinggan natin si Dr. Maris Diokno na sumuri sa kabalintunaang ito.
Gamit ang teorya ng historyador na si Dominick LaCapra na nagsabing may dalawang klase ng social trauma – ang structural at historical – sinuri ni Diokno ang trauma ng Batas Militar. Puwede kang nabuhay noong panahong iyon nang hindi mo naramdaman ang panunupil. May curfew, nagkalat ang militar, pero may law and order. Nakakairita, pero walang pinsala sa iyo. ‘Yan ay dulot ng “state of unfreedom” na walang patid – at isang porma ng structural trauma. Sa kabilang banda, ang nasapol ng karahasan ay ang mga “pasaway” na komunista at tibak – at ito ang “historical trauma.”
Comments (0)