Biyahe ni Junior sa Cambodia at Thailand, negosyo at pulitika
Biyahe ni Junior sa Cambodia at Thailand, negosyo at pulitika
PINOY WEEKLY EDITORYAL
November 13, 2022
Negosyo at pulitika ang pangunahing sadya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Cambodia at Thailand. Hindi alintana ang kapakanan ng mga manggagawa at iba pang maralita.
egosyo at pulitika ang pangunahing sadya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Cambodia at Thailand. Hindi alintana ang kapakanan ng mga manggagawa at iba pang maralita.
Habang nagpupulong ang mga pinuno ng Association of Southeast Asia Nations (ASEAN) sa Cambodia, nakawelga ang mga manggagawa ng Nagaworld — isang dambuhalang casino na ang may-ari ay mula sa Malaysia. Mahigit isang libong manggagawa at unyonista ang tinanggal noong Abril 2021 at marami ang inaresto. Tuluy-tuloy ang kanilang protesta.
Gustong sakyan ni Junior ang ASEAN para sa pagtutulak ng adyenda ng US laban sa Tsina. Partikular, ang isyu ng panghihimasok nito sa South China Sea.
Comments (0)