Pambansang minimum na sahod, karapatan ng lahat ng manggagawa
Pambansang minimum na sahod, karapatan ng lahat ng manggagawa
By Tam Ysmael
Pinoy Weekly
Ipinaglalaban ng ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Federation of Free Workers (FFW) at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), pinakamalalaking sentro ng paggawa sa bansa, ang pagtatakda ng gobyerno ng pambansang minimum na sahod o National Minimum Wage (NMW) para sa lahat ng manggagawa. Kaakibat nito na pakikipaglaban para gawing regular ang lahat ng mga kontraktuwal at pagkilala sa karapatan na mag-unyon, sa collective bargaining at sama-samang pagkilos.
Bagamat kinikilala ito ng International Labor Organization (ILO), ayaw naman itong kilalanin ng gobyerno ng Pilipinas.
Lumabas sa pag-aaral ng Ibon Foundation (Ibon) nitong Oktubre 2022 na kailangan ng isang lima-kataong pamilya ang P1,133 kada araw para mabuhay.
Comments (0)