[ANALYSIS] Agwat ng mahirap at mayaman, liliit kaya sa panahon ni Marcos?
[ANALYSIS] Agwat ng mahirap at mayaman, liliit kaya sa panahon ni Marcos?
Inilunsad kamakailan ng World Bank ang isang bagong report hinggil sa kahirapan at agwat ng mahihirap at mayayaman sa Pilipinas.
Maraming mga numero, graphs, at teknikal na mga salita. Hayaan ninyong ibahagi ko rito ang ilan sa highlights ng pag-aaral.
Sa totoo lang, matagal na nating alam ang lagay ng kahirapan at ’di pagkapantay-pantay o inequality sa Pilipinas. Ngunit may mga bagong insights din gamit ang bagong datos at analysis na sadyang nabago dahil sa pandemya.
Una, ’di maikakailang malaki ang pagbaba ng antas ng kahirapan mula 1985 (kasagsagan ng krisis pang-ekonomiya noong Batas Militar) hanggang 2018 (kung kailan nakuha ang latest na datos hinggil sa kahirapan bago ang COVID-19).
Kung noong Batas Militar ay halos kalahati ng populasyon (at lagpas kalahati ng mga pamilya) ang maituturing na mahirap, pagdating ng 2018 ay isa sa anim na tao na lang ang mahirap.
Comments (0)