Dekanong Makabayan: Kung paano nagiging rebolusyonaryo (at bayani) ang manlilikha
Dekanong Makabayan: Kung paano nagiging rebolusyonaryo (at bayani) ang manlilikha
By Atty. Antonio La Viña
Pinoy Weekly
December 11, 2022
Gaano kalaking kabalintunaan na sa kaarawan ng isang bayani, may bayani ring pinatay? Mas malala pa sapagkat Araw ng Karapatang Pantao sa December 10. Siguro mas magandang itanong kung gaano ito kalupit?
Taun-taon, isang pagdiriwang at protesta ang Bonifacio Day. Masaya ang pag-alala sa kabuluhan ng pakikibaka, ngunit nakakagalit ang patuloy na pang-aapi sa sambayanan. Ngayong taon, puno rin ito ng dalamhati dahil sa pagpaslang kay Ericson Acosta.
Gaano kalaking kabalintunaan na sa kaarawan ng isang bayani, may bayani ring pinatay? Mas malala pa sapagkat Araw ng Karapatang Pantao sa December 10. Siguro mas magandang itanong kung gaano ito kalupit?
Marami ang nagluksa nang marinig ang balita. Habang hindi bago ang pagpatay sa mga aktibista at rebolusyonaryo, palagi itong mabigat—siguro nga dahil makabuluhan ang kanilang buhay at pagkamatay.
Comments (0)