[ANALYSIS] Bakit problematic ang Maharlika fund? Narito ang 4 na dahilan
[ANALYSIS] Bakit problematic ang Maharlika fund? Narito ang 4 na dahilan
December 8, 2022
Noong Disyembre 7, ibinalita ni Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo – isa sa mga nagpapanukala ng Maharlika Wealth Fund – na hindi na raw kukunin ang bahagi ng kapital noon mula sa GSIS at SSS.
Ito’y matapos maraming sektor sa ating lipunan—mula sa mga aktibista hanggang sa grupo ng mga negosyante—ang umangal sa planong galawin ang pension funds ng GSIS at SSS.
Ngunit sa totoo lang, ’di dapat ipinanukala iyon sa simula pa lang. Hindi akmang isugal o ipusta ang pensiyon ng mga Pilipino na buong buhay nilang pinagtrabahuhan.
Bukod dito, marami pang dahilan kung bakit problematic ang Maharlika fund.
Una, ni hindi ito totoong “sovereign wealth fund.”
Comments (0)