REBYU: Ilang tala hinggil sa ‘Some People Need Killing’
REBYU: Ilang tala hinggil sa ‘Some People Need Killing’
Walang dudang nakatanaw si Evangelista sa madlang mambabasa ng mundo, pero sana’y umabot din ang libro sa maraming Pilipino, lalo na sa mga maralitang naging at nagiging target at biktima ng kung ano-anong pandirigma.
Ni Kenneth Roland A. Guda
PINOY WEEKLY
November 1, 2023
Mabilis basahin ang libro sa kabila ng mabigat na paksa nito. Dahil ito marahil sa punto-de-bista ng manunulat na pinagsisimulan ng libro, at dahil sa kontekstong pamilyar sa maraming Pilipino. Ano’t anuman, napakahalagang mabasa ng marami ang librong “Some People Need Killing: A Memoir of Murder in My Country” ng mamamahayag na si Patricia Evangelista.

Comments (0)