❌
Improvements
Thank you for your feedback!
Error! Please contact site administrator!
Send
Sending...
×
  • Community,
  • News & Features
  • July 01, 2007 , 11:45am

Nakakalitong Kabanata ng Eleksiyon sa Pilipinas

Nakakalitong Kabanata ng Eleksiyon sa Pilipinas

Ulat ni Jess Cabrias
TSN-Talakayan Radio

Ang katatapos na halalan sa Pilipinas ay malinaw na pagpapatunay na ang bansa ay balik na naman sa dating gawi kung may eleksiyon. Ang pagkakaiba nga lamang ay High Tech ang pamaraan sa pandaraya. At muling naging makapangyarihan ang pera sa pagkuha ng boto. At muling naghari ang karahasan.

At ito pa ang hindi ko lubos na maisip…na may mga presinto sa lalawigan ng Maguindanao sa Mindanao na walang nakuha ni isang boto ang mga kandidato ng Genuine Opposition(GO). Pawang mga kandidato ng Administrasyon(Team Unity) ang nanalo. Nakagulat pa nang si Chavit Singson ang dito ay manguna. Ito di umano ay pangako raw ni Virgilio Garcillano(hello Garcia). Ang paglahok pa ni Garci sa elecksiyon ayon sa bali-balita ay palabas lamang.

Tayo rito sa Toronto ay walang tuwirang basehan ng mga napabalitang katiwalian. Gaya ko, napanood ko lamang sa telebisyon coverage ng NBN,GMA-7 at ABS-CBN. Maliwanag naman nairereport ng mga naturang reputable TV stations at mga pahayagan doon(via internet)ang mga nakalulungkot na balita at pangyayari. Bakit naman kaya ito pinabayaang mangyari ni Pangulong Gloria? Disenyo ba ito at pakana ng mga nasa Malakanyang upang makontrol ang Kongreso kahit ang kapalit nito’y ang kamatayan ng demokrasya sa bansa?

Mga kabayan, kayo ang humatol. Sa resulta ng listahan ng mga bagong halal na Senador sa Pilipinas at sa Toronto (nakasaad sa ibaba), maliwanag na nagpahayag ang sambayanang Pilipino na ayaw na nila kay Aling Gloria.

Tayong mga nasa labas ng Pilipinas ay mananatiling umasa na lamang na kahit maniwari may dumating na mabuting ginawa si GMA para sa mga Pilipino upang tumino rin ang gobyerno”t bansa naman. O baka naman kaya dapat lakihan pa ng mga overseas workers ang kanilang ipinadadalang dolyar para lalu pang makatulong sa mga naghihikaos na Pilipino. Saan naman kaya ginugugol ng gobyerno nating ang humigit kumulang na 12 Milyong pesos. Sa kaban ba ng bayan o para sa mga galamay ng administrasyon? Bayan, gising na kayo bago maging huli na ang lahat.

Comments (0)

Categories

  • An Uncomplicated Mind
  • At Ground Level
  • Community
  • Environment
  • Health
  • Notebook
  • Opinion & Analysis
  • Philippines
  • Printed Front Page
  • Round Up
  • An Uncomplicated Mind
  • At Ground Level
  • Community
  • Environment
  • Health
  • Notebook
  • Opinion & Analysis
  • Philippines
  • Printed Front Page
  • Round Up
  • An Uncomplicated Mind
  • At Ground Level
  • Community
  • Environment
  • Health
  • Notebook
  • Opinion & Analysis
  • Philippines
  • Printed Front Page
  • Round Up
  • An Uncomplicated Mind
  • At Ground Level
  • Community
  • Environment
  • Health
  • Notebook
  • Opinion & Analysis
  • Philippines
  • Printed Front Page
  • Round Up
  • Classifieds
  • Events
  • About us
  • Contact
  • Advertise
  • Simple Promotion
  • Classifieds
  • Events
  • About us
  • Contact
  • Advertise
  • Simple Promotion
  • Classifieds
  • Events
  • About us
  • Contact
  • Advertise
  • Simple Promotion
  • Classifieds
  • Events
  • About us
  • Contact
  • Advertise
  • Simple Promotion
Based in Toronto, Ontario, Canada, The Philippine Reporter (print edition) is a Toronto Filipino newspaper publishing since March 1989. It carries Philippine news and community news and feature stories about Filipinos in Canada and the U.S.
Powered by Software4publishers.com
Please write the reason why you are reporting this page:
Send
Sending...
Please register on Clascal system to message this user
Reset password Return registration form
Back to Login form