Rappler’s #AnimatED: Huwag nating kalilimutan si Kian
Rappler’s #AnimatED: Huwag nating kalilimutan si Kian
Hindi pa tapos ang laban, ang susunod na yugto: ang pakikipagbuno sa paglimot. Dahil kaluluwa natin bilang isang bansa ang nakataya.
Rappler.com
“Breakdown in humanity.” ’Yan ang tawag ng isang senador sa pagkamatay ni Kian delos Santos, ang 17-anyos na binatilyong binaril ng mga pulis sa Caloocan habang nagsasagawa ng kampanyang “one- time, big-time” laban sa droga. Binaril siyang “nakaluhod tapos nasubsob“ sa isang madilim na eskinita.
Tinamnan ang bangkay niya ng isang revolver na inilagay sa kanyang kaliwang kamay. Ayon sa kanyang ama, right-handed si Kian.
Comments (0)