Hinggil sa panununog ng PW print issues sa Pandi, Bulacan
Hinggil sa panununog ng PW print issues sa Pandi, Bulacan
Pinoy Weekly/PinoyMedia Center
Itinuturing ito bilang bahagi ng tumitinding klima ng panunupil at pasismo sa bansa, kung saan sinumang nagiging kritikal sa nasa kapangyarihang rehimen ay sinusupil, tinatakot at dinadahas.
Itinuturing namin ang nabalitang pagsunog sa libu-libong kopya ng Pinoy Weekly na nakalagak sa subscriber naming komunidad ng mga maralitang nag-okupa ng tiwangwang na pampublikong housing project sa Pandi, Bulacan bilang lantarang atake sa karapatan sa pamamahayag.
Mariin naming kinokondena ang naturang panununog, na mistulang pagkakait sa mga mambabasa ng PW ng kanilang karapatang makabasa at makaalam—mga karapatang itinatadhana sa Saligang Batas. Pagkakait din ito sa karapatan sa pag-aari ng mga maralitang residente na subscribers ng aming magasin.
Comments (0)