Niyurakan, pinagtaksilan
Niyurakan, pinagtaksilan
Ni Silay Lumbera
PinoyWeekly.org
Kawawang Pilipinas. Balewala sa gobyernong Duterte ang ating soberanya sa harap ng nakakasilaw na salapi ng mga Tsino.
Malaon nang larangan ng tunggalian ang West Philippine Sea (WPS) para sa Pilipinas at China—kapwa mga bansang may nakatayang malaking interes sa pinaglalabanang teritoryo.
Hamon ng pagtindig at pagtatanggol sa teritoryong dagat at eksklusibong sonang pang-ekonomiya (EEZ o exclusive economic zone) ang nakataya para sa Pilipinas. Samantala para sa China, nakataya naman ang pag-angkin at pagmamay-ari sa isa sa mga pinaka-estratehikong daanan ng pandaigdigang kalakalang dagat (global maritime trade), gayundin ang pagsasamantala sa labis labis na likas-yamang matatagpuan sa WPS.
Pinakahuli ang nangyaring insidente sa Recto Bank noong Hunyo sa halos isang dekadang girian sa pagitan ng Pilipinas at China para sa pagmamay-ari ng WPS, teritoryong tinuturing na isa sa pinaka-estratehiko at pinakamayamang karagatan sa buong mundo.
Comments (0)