Krisis sa klima, krisis ng daigdig
Krisis sa klima, krisis ng daigdig
By Andrea Jobelle Adan
PinoyWeekly.org
Noong nakaraang linggo, malalakihang protesta ang isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo para kalampagin ang mga gobyerno na kumilos na kontra climate change.
Dumagundong ang panawagan ng kabataang nanguna sa protesta sa iba’t ibang bahagi ng mundo: kailangan na tugynan ang krisis sa klima.
Sa makasaysayang Global Climate Crisis Strike, aabot sa pitong milyong tao ang naglunsad ng humigit-kumulang 6,000 magkakahiwalay kilos-protesta noong Setyembre 20. Lahat ng ito para depensahan ang kalikasan at karapatan ng kasulukuyan at susunod na mga henerasyon sa isang ligtas na daigdig.
Comments (0)