[EDITORIAL] Contact tracing: Nasaan ang political will?
[EDITORIAL] Contact tracing: Nasaan ang political will?
April 12, 2021
Rappler
Puro dada, walang nilaga, ika nga ng urban poor
Contact tracing. Ito ang isa sa susing diskarte na nagpanalo sa pakikipaglaban ng Vietnam at South Korea laban sa pandemya.
Pero tayo sa Pilipinas, nakailang istriktong lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) na. Bawal ang lumabas maliban sa isang miyembro kada pamilya. Kalaboso ka ‘pag lumabag ka lagpas ng alas-sais. Haharangin ka kung nagdedeliver ka ng lugaw. Dadamputin ka kung tumapak ka sa labas ng bahay upang kunin ang delivery mo galing Grab. Bubugbugin ka pa.
Comments (0)