Manggagawa ng daigdig vs terror law ni Duterte
Manggagawa ng daigdig vs terror law ni Duterte
December 11, 2021
Ni Neil Ambion
Hindi nag-iisa sa laban ang mga unyonista at manggagawa sa Pilipinas.
Sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, magkasamang tumindig ang mga internasyonal na samahan ng manggagawa at mga manggawang Pilipino para ipanawagan ang pagbasura sa Anti-Terrorism Act.
Sa pangunguna ng Council of Global Unions, nilahukan ng mga unyon at samahang manggagawa mula sa iba’t ibang bansa ang Global Day of Action bilang pakikipagkaisa sa mga manggagawang Pilipino laban sa mga paglabag sa karapatan sa paggawa at karapatang pantao.
Limang sunod-sunod na taon nang napabilang ang Pilipinas sa 10 pinakamasahol na bansa para sa mga manggagawa ayon sa Global Rights Index ng International Trade Union Confederation (ITUC), isa sa pinakamalaking kumpederasyon sa paggawa na kumakatawan sa mahigit 200 milyong manggagawa sa buong mundo.
Comments (0)