Sunog sa Comelec: Made in Malacañang?
Sunog sa Comelec: Made in Malacañang?
Pinoy Weekly Editoryal
Nasunog ang opisina ng Information Technology Department ng Commission on Elections sa nirerentahang gusali sa Palacio del Gobernador sa Intramuros.
Umabot ito sa ikalawang alarma at nagtagal ng halos dalawang oras ayon sa Bureau of Fire Protection, na may estasyon sa tapat lang ng nasunog na gusali. Ayon kay acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, iniimbestigahan pa kung arson ang dahilan ng sunog.
Nangyari ito isang gabi bago hinirang na chairman ng Comelec si George Garcia, dating abogado ng bagong halal na pangulo ng bansa. Siya ang humawak sa kaso nang umapela si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong matalo ito sa pagkabise-presidente taong 2016. Hinawakan niya rin ang kaso ng mga pulitikong sangkot sa pork barrel scam gaya nila Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr.
Unang itinalaga ni dating pangulong Rodrigo Duterte bilang commissioner si Garcia bago mag-eleksiyon, na nilahukan at ipinanalo ng anak niyang ngayo’y bise presidente Sara Duterte.
Comments (0)