Walang awat, walang patid
Walang awat, walang patid
By Pinoy Weekly
February 27, 2023
Ngayong Enero, nakapagtala ang pamahalaan ng 8.7% na inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo na pinakamataas sa loob ng 14 na taon. Hinigitan din nito ang pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 7.5% hanggang 8.5%.
Sa pagtatapos ng 2022, nasa 8.1% ang inflation noong Disyembre at nasa 5.8% ang average inflation para sa buong taon kumpara sa 3.1% na average noong 2021.
Ano’ng ibig sabihin nito para sa mamamayang Pilipino?
Matatandaang sunod-sunod ang pagtaas presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo sa nagdaang taon.
At hanggang ngayon, wala pa ring malinaw at makabuluhang hakbang ang administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr. mula nang naluklok sa poder upang tulungang maibsan ang paghihirap ng taumbayan dala ng patuloy na pagsirit ng presyo.
Comments (0)