59th IBPA, pinalalayas sa barangay sa Batangas
59th IBPA, pinalalayas sa barangay sa Batangas
August 18, 2023
By Boy Bagwis
PINOY WEEKLY
Sa kabila ng matinding pananakot at panliligalig ng 59th Infantry Battalion ng Philippine Army 59th IBPA), nagprotesta ang mga manggagawang bukid at residente ng unang distrito ng lalawigan ng Batangas noong Agosto 4 sa bayan ng Balayan para kundenahin ang okupasyon at panggigipit ng mga sundalo sa Barangay Putol sa bayan ng Tuy.
Lumahok sa piket-protesta ang mga manggagapak o mga mgasasaka ng tubo at mga kasapi ng Sugarfolks’ Unity for Genuine Agricultural Reform (Sugar) Batangas at Kaisahan ng mga Manggagagawang Bukid sa Tubuhan (Kaisahan). Sumama rin ang mga residente mula sa iba’t ibang bayan para ipanawagan ang pagpapalayas sa 59th IBPA sa Barangay Putol.
Comments (0)