Baryang umento, insulto
Baryang umento, insulto
PINOY WEEKLY EDITORIAL
Hindi nanlilimos ang mga manggagawang Pinoy. Hinihingi nila ang makatuwiran at makatarungang pagtumbas sa kanilang lakas-paggawa. Kaya itinuturing nilang insulto ang baryang dagdag-sahod na ibinigay ng administrasyong Marcos Jr.
Napakalayo ng inaprubahang P35 dagdag-sahod sa inihaing petisyon ng mga manggagawa na itaas sa P1,207 ang minimum wage sa National Capital Region (NCR). Wala pa rin ito sa kalahati ng panukalang P150 across-the-board na dagdag-sahod na nakahain sa Kamara.
Kahit P645 na ang minimum wage sa NCR, hindi pa rin ito makabubuhay ng pamilya. Sa huling tala ng Ibon Foundation, nasa P1,190 ang family living wage o kailangang sahod para mabuhay nang disente ang isang pamilya. Ang katiting na 5.7% na umento, hindi man lang natumbasan ang 6.5% na pagtaas ng presyo ng pagkain o food inflation nitong Hunyo.
Comments (0)