Maita Gomez: Palaban, makabayan at makakalikasan
Maita Gomez: Palaban, makabayan at makakalikasan
Tinig Kalikasan ni Lisa C. Ito
Mandirigma, ina, peminista, at tagapagtanggol ng pambansang patrimonya—ito ang ilan sa mga salitang pumapasok sa isip ko sa pagpanaw ni Maita Gomez (1947-2012).
Mas kilala ng marami si Maita bilang isa sa mga pinakamagandang mukha ng kilusang kababaihan ng Pilipinas. Mula sa pamilyang nakaaangat sa lipunan, siya ay nahirang na beauty queen noong1967. Namulat siya sa panahon ng matinding pasismo sa ilalim ng Batas Militar at dito nagpasyang makipamuhay at kumilos para sa masang anakpawis bilang kasapi ng New People’s Army.
Comments (0)