❌
Improvements
Thank you for your feedback!
Error! Please contact site administrator!
Send
Sending...
×
  • Community,
  • News & Features
  • September 16, 2015 , 08:00pm

Bill C-24 Two-Tier na Pagkamamamayan

Bill C-24 Two-Tier na Pagkamamamayan

Rehimeng Labag sa Konstitusyon, Sabi sa Kaso

Ang Batas na Nagpapahintulot na Matanggalan ng Pagkamamayan ang mga Migrante at may Dalawang Nasyonalidad ay Hindi Makatarungan, hindi maka-Canadian, ayon sa mga grupong pangkarapatan.

Toronto Agosto 20, 2015 – Ang BC Civil Liberties Association (BCCLA) at ang Canadian Association of Refugee Lawyers (CARL) ay naglunsad ng konstitusyonal na hamon sa bagong Citizenship Act, isang pederal na batas na nagbababa sa mahigit isang milyong Canadian sa estadong second-class.

Ikinakatwiran ng kaso na ang bagong Citizen Act, nagkabisa mula ng ipasa ang Bill C-24, ay lumikha ng two-tier na pagkamamayan na nagtatangi laban sa mga may dalawang- nasyonalidad, ipinanganak sa ibang bansa man o sa Canada, at mga pinagkalooban ng pagkamamayan. Ang mga Canadian na ito ay magkakaroon ng mas limitadong karapatan kumpara sa ibang mga Canadian, dahil lamang sa sila o ang kanilang mga magulang o ninuno ay ipinanganak sa ibang bansa.

Sa ilalim ng bagong batas, makikita ng mga Canadian na ito ang pag-aalis ng kanilang pagkamamamayan kapag nahatulan sila ng anumang malubhang krimen sa Canada o sa ibang bansa (pati sa mga bansang walang tamang proseso o tuntunin ng batas). Maaari ring matanggalan ng pagkamamamayan ang mga Canadian na naging mamamayan pagkatapos maipasa nag Bill C-24 kung sila ay mangingibang bansa dahil sa trabaho, pag-aaral, o pampamilyang dahilan. Ang ibang mga Canadian ay hindi maaapektuhan ng pagkawala ng kanilang pagkamamamayan.

“Lahat ng mamamayan ng Canada ay may pantay-pantay na karapatan noon, saan man sila nagmula. Lahat tayo ay pantay-pantay sa ilalim ng batas,” sabi ni Josh Paterson, Executive Director ng BCCLA. “Hinati tayo ng bagong batas na ito sa dalawang uri na mamamayan – iyong maaaring mawalan at hindi maaaring mawalan ng pagkamamamayan. Ang Bill C-24 ay laban sa mga migrante, laban sa mga Canadian, at hindi maka-demokrasya. Literal na minamaliit nito – ang kahulugan ng pagiging isang Canadian.”

Mahigit sa 110,000 na Canadian ang pumirma ng Change.org na petisyon para pigilin ang bagong batas. Sa kabila ng pagtutol ng publiko, ang nagaalis-ng-pagkamamayang probisyon ng Citizen Act ay naging batas, at tahimik na isinasagawa na ng pamahalaan ang proseso para pawalang-bisa ang pagkamamamayan ng ilang indibidwal.

Sinabi pa ni Lorne Waldman, miyembro ng grupo ng mga abugado ng litigasyon ng kaso at ehekutibo ng CARL: ” Ang batas na ito na nag-aalis ng pagkamamayan ay hindi makatarungan, labag sa batas, at sumusira sa panunahing pamantayan ng pagkakapantay-pantay na nakapaloob sa Charter of Rights and Freedoms. Sa batas na ito, ipinapakita ng pamahalaan ang garapal na pagwawalang-halaga sa mga pamantayang ito, at sa pangunahing karapatan ng lahat ng Canadian. Hinihiling namin sa korte na ibuwal ang batas na ito.”

Ayon sa habla ang two-tier regime ay labag sa konstitusyon dahil pinahihintulutan nito na pawalang-bisa ng burukrasya ng gobyerno ang pagkamamamayan, hindi ng husgado.

” Sa halip na i-welcome ang mga bagong Canadian, ang bagong Citizen Act ay diskriminasyon laban sa kanila,” said Mitch Goldberg, President of CARL. ” Ang burukrasya sa Ottawa ay may kapangyarihang mag-alis ng pagkamamamayan, at sabihin sa mga tao na hindi sila karapat-dapat sa bansang ito. Ito ay nagpapahina ng pagkamamamayan sa lahat ng Canadian. Ang kasong ito ay magpapa-alala sa pamahalaan na ang isang Canadian ay isang Canadian ay isang Canadian. Tapos.”

Para sa Background at higit pang impormasyon: https://bccla.org/news/2015/08/citizenship/

(PRESS RELEASE)

Comments (1)

  • Most Thumbs Up
  • Newest
  • Most commented
  • Recently active
  1. here.
    here.
    Reply
      Thumb up 0 : 0 Thumb down
    ~The way you want to ...
    8yrs ago
    X
  1. here.
    here.
    Reply
      Thumb up 0 : 0 Thumb down
    ~The way you want to ...
    8yrs ago
    X
  1. here.
    here.
    Reply
      Thumb up 0 : 0 Thumb down
    ~The way you want to ...
    8yrs ago
    X
  1. here.
    here.
    Reply
      Thumb up 0 : 0 Thumb down
    ~The way you want to ...
    8yrs ago
    X

Categories

  • An Uncomplicated Mind
  • At Ground Level
  • Community
  • Environment
  • Health
  • Notebook
  • Opinion & Analysis
  • Philippines
  • Printed Front Page
  • Round Up
  • An Uncomplicated Mind
  • At Ground Level
  • Community
  • Environment
  • Health
  • Notebook
  • Opinion & Analysis
  • Philippines
  • Printed Front Page
  • Round Up
  • An Uncomplicated Mind
  • At Ground Level
  • Community
  • Environment
  • Health
  • Notebook
  • Opinion & Analysis
  • Philippines
  • Printed Front Page
  • Round Up
  • An Uncomplicated Mind
  • At Ground Level
  • Community
  • Environment
  • Health
  • Notebook
  • Opinion & Analysis
  • Philippines
  • Printed Front Page
  • Round Up
  • Classifieds
  • Events
  • About us
  • Contact
  • Advertise
  • Simple Promotion
  • Classifieds
  • Events
  • About us
  • Contact
  • Advertise
  • Simple Promotion
  • Classifieds
  • Events
  • About us
  • Contact
  • Advertise
  • Simple Promotion
  • Classifieds
  • Events
  • About us
  • Contact
  • Advertise
  • Simple Promotion
Based in Toronto, Ontario, Canada, The Philippine Reporter (print edition) is a Toronto Filipino newspaper publishing since March 1989. It carries Philippine news and community news and feature stories about Filipinos in Canada and the U.S.
Powered by Software4publishers.com
Please write the reason why you are reporting this page:
Send
Sending...
Please register on Clascal system to message this user
Reset password Return registration form
Back to Login form