Isang Panayam: Ang kasalukuyang kalagayan ng mga guro sa Pilipinas
Isang Panayam: Ang kasalukuyang kalagayan ng mga guro sa Pilipinas
By KJ Dumapit
ManilaToday.net
Sa pagdiriwang ng World Teachers Day sa araw ng Oktubre 5, nakapanayam ng Manila Today si Rep. France Castro ng ACT Teachers Partylist hinggil sa kalagayan ng mga guro sa Pilipinas.
Ano ang kasalukuyang kalagayan o pangunahing isyu ng mga guro sa pampublikong edukasyon?
Nananatiling hindi nakasasapat ang sweldo ng mga guro. Sa kasalukuyan, Php 19,620 ang gross monthly income na kung ibabawas ang mga mandatory deduction like GSIS, Tax, Pag-ibig, Philhealth at iba pang deduction sa mga utang di bababa sa Php 4,000 ang monthly take home pay. Kaya’t napipilitan ding magsanla ng ATM ang mga guro para makapangutang sa mga loan sharks upang matugunan and mga batayang pangangailangan.May mga gurong nakakasuhan dahil sa di pagbabayad ng utang dahil sa laki ng interes sa utang. Karamihan sa mga guro ay may sideline gaya ng pagmomoonlighting (pagtuturo sa pribadong paaralan), pagtututor, pagbebenta ng mga load from telcos, pagbebenta ng mga goods, insurance atbp.
Comments (0)