Araw ng Huwad na Kalayaan
Araw ng Huwad na Kalayaan
Lilipas na naman ang taunang paggunita ng Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12. Anang itinuturo sa mga bata mula elementarya, nagdeklara ang Pilipinas ang kanyang kalayaan noong araw na iyon sa taong 1898 sa Cavite El Viejo (ngayo’y Kawit, Cavite) sa bintana ng kanyang tahanan ang binansagang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo at iwinagayway ang watawat ng Pilipinas.
Pero malakas at malinaw ang sigaw ng mga nagprotesta ngayong araw kasabay ng mga seremonya sa araw na ito. Mula sa unang pagdalo ng kasalukuyang Pangulong Rodrigo Duterte sa seremonya ng Hunyo 12 ngayong umaga sa nasabing bintana, naglakas loob ang mga kabataan mula sa Timog Katagalugan na isigaw ang isang inkombenyenteng katototohan: Hunyo a-dose, huwad na kalayaan!
Isa sa mga nagprotesta ang hinuli’t kinasuhan bagaman nagsabi si Duterte na hayaan ang mga ito dahil may kalayaan sila sa pamamahayag.
Comments (0)