Pagsunog sa planta ng Abante, kinundena
Pagsunog sa planta ng Abante, kinundena
Mariing kinundena ng pamunuan ng Abante News Group at iba’t ibang grupo ng mamamahayag ang ginawang pag-atake at pagsunog ng apat na armadong kalalakihan sa planta ng pahayagan sa Parañaque City, ngayong Lunes ng madaling araw.
Ayon sa pamunuan ng Abante, ala-una ng madaling araw nang puwersahang salakayin ng mga armadong saspek na nakamaskara ang planta ng Abante at binuhusan ng gasolina bago sinilaban ang mga makina at nakaimbak na mga supply ng imprenta. Natapos ang pag-atake sa planta sa loob ng limang minuto at dalawa sa mga empleyado ng Abante ang nasugatan, ayon din sa pahayagan.
“The management and staff of Abante and Tonite condemn this dastardly attack, the first violent act against our group and its facilities since 1987. We will not be cowed by this attempt to strike fear into our reporters, editors and staff. Our commitment to hard-hitting journalism remains unshaken,” pahayag ni Abante Managing Editor Fernando Jadulco.
Comments (0)