Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 sa sandaantaon
Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 sa sandaantaon
Idinaos ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa ikatlong pagkakataon ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) noong Setyembre 13-19.
Sa ikatlong taon ng PPP, 11 pelikulang may ganap na haba ang kalahok sa pista na eklusibong ipinalalabas sa mga sinehan sa loob ng isang linggo. Pito sa mga ito ay kasama sa main entries, tatlo sa PPP Sandaan Showcase at isang non-competition film. Mayroon ding siyam na kalahok sa Sine Kabataan shorts.
Espesyal sa taong ito ang paglulunsad ng PPP kasabay ng pagbubukas ng selebrasyon sa 100 taon ng pelikulang Pilipino. Pinamunuan ng FDCP ang selebrasyon ng 100 taon ng pelikulang Pilipino sa pagkilala sa mga mahahalagang personalidad nito sa nakalipas na 100 taon.
Ang FDCP ay ang pambansang ahensya ng mga pelikula na responsable sa mga polisiya sa pelikula at sa mga programang nagtitiyak ng pang-ekonomya, pangkultura at edukasyunal na pag-unlad ng industriya ng pelikulang Pilipino. Nilikha ang ahensya sa bisa ng Republic Act No. 9167 at nasa ilalim ng Office of the President.
Comments (0)