Paraiso ba ang buhay sa Amerika?
Paraiso ba ang buhay sa Amerika?
By Boy Bagwis
PinoyWeekly.org
Kaiba sa mga ipinapangarap ng maraming Pilipinong tumutungo rito ang ‘land of opportunity.’
lIang milyon ba ang mga kababayan natin mula sa Pilipinas na nangarap at naghangad na makapunta sa Amerika (Estados Unidos o US) upang makapagtrabaho at magkaroon ng magandang hanap buhay at iiwan ang kahirapan ng bansa?
Halos isang siglo na mula nang unang nakarating ang mga manggagawang Pinoy sa Amerika. Ngayon, tinatayang isang milyon ang Pilipino rito. Ilang henerasyon na silang makikita sa Hawaii, Los Angeles, San Diego, San Francisco, at iba pang panig ng bansa – dokumentado man, o hindi, nangangarap ng maalwang buhay sa “land of opportunity.”
Walang reklamo ang mga kababayan natin, basta may dolyar na kinikita magtitiis kahit mahirap na trabaho at malayo sa piling ng kanilang pamilya.
Comments (0)