Pulitikong VIPs inuuna sa Covid-19 testing?
Pulitikong VIPs inuuna sa Covid-19 testing?
By Pinoy Weekly
“(A)ng kapal ng mukha ng isang senador na magdemand ng ‘repeat test’ to (en)sure na negative sila…Mga demonyo,” sabi niya sa chat.
May araw na itinigil namin yung testing for the PUIs (persons under investigation) to give way sa mga ‘VIPs’ (very important persons).”
Ito ang sabi diumano ng isang health worker na nagtatrabaho sa laboratoryo ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa ilalim ng Department of Health (DOH), sa isang chat niya sa isang kaibigan sa Facebook messenger na siyang nagsapubliko ng kanilang pag-uusap.
Tinanong ng midya sa Viber group ng DOH ang naturang ahensiya tungkol sa screencaps ng chat na ito pero hanggang sa pagkakasulat ng artikulo, wala pa ring reaksiyon ang naturang ahensiya.
Comments (0)