Virus. Lockdown. Repeat.
Virus. Lockdown. Repeat.
RAPPLER EDITORIAL
May nabubuhay, may namamatay, lahat nakakapit lang. Kinabukasan, ulit na naman.
Parang isang umuulit na bangungot ang ikatlong lockdown ng Metro Manila. Dinadaan na lang ng marami sa biro – alam mo naman ang Pinoy, defense mechanism ang pagbibiro. Andyan ang pag-awit ng “’Di Na Natuto.”
Pero ang pinakamalapit sa katotohanan ay ang buzzword na pinasikat ng gamers at ng Hollywood. “Live. Die. Repeat.” Tatlong katagang sumasapul sa hirap ng buhay sa lockdown. May nabubuhay, may namamatay, lahat nakakapit lang. Kinabukasan, ulit na naman.
Pero hindi naman “endless loop” ang buhay. Dapat, tulad ng pelikula ni Tom Cruise, natututo ang gobyerno ng Pilipinas. Tigilan na ang pag-i-invoke ng resilience ng Pilipino sa pahahon ng kalamidad. Kahit kawayan, nababali sa tindi ng hagupit ng bagyo.
Comments (0)