Labis na presyo, lusot sa gobyerno
Labis na presyo, lusot sa gobyerno
Bilyon sana ang natipid ng gobyerno at nailaan sa direktang suporta para sa mga Pilipino. Sino ngayon ang mananagot?
May P8.7 Bilyong halaga ng mga kontrata para sa medical supplies mula sa Bayanihan 1 at Bayanihan 2 ng administrasyong Duterte ang napunta sa Pharmally Pharmaceutical Corporation, isang kompanya na bagong rehistro noong Setyembre 2019 at may panimulang kapital lang na P625,000.
Pinakamalaking kontrata na nakuha ng Pharmally ang P3.8-B para sa personal protective equipment (PPE). Kada set ng PPE, nagkakahalaga ng P1,910. Pero ayon sa datos mismo ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), ang market price lang dapat nito ay P945, sabi ni Sen. Franklin Drilon.
Pinresyuhan ng Pharmally ang mga test kit ng P1,720 kada isa, halos doble ng P925 sa ibang kompanya. Ganito rin sa mga face mask na kinuha ng gobyerno sa P27.72 kada piraso, kahit pa sa ibang supplier ay wala pang P20 ang isa.
Comments (0)