P1.61-B kontrata sa eleksiyon, nakuha ni Dennis Uy
P1.61-B kontrata sa eleksiyon, nakuha ni Dennis Uy
September 10, 2021
Ngayong inanunsyo nang tatakbo si Duterte bilang bise-presidente sa 2022, bakit ibibigay ang kontrata ng mga balota sa kompanya ng nagpondo sa kampanya niya?
By Neil Ambion
Iginawad ng Commission on Elections (Comelec) sa F2 Logistics Inc. ang P1.61 Bilyong kontrata para sa pagbiyahe ng mga balota, vote-counting machines at iba pang materyales para sa darating na halalang 2022.
Pero may nakikitang isyu sa pagkakagawad ng kontrata. Ang F2 Logistics kasi, pagmamay-ari ng bilyonaryong si Dennis Uy, kilalang alyado at isa sa pinakamalaking nagpondo sa kampanya ni Pangulong Duterte.
“Dapat maisip ng Comelec na ang pagbigay ng P1.61-B sa kilalang crony ni Duterte ay hindi katanggap-tanggap, at ang pagiging responsable niya sa isang importanteng tungkulin sa eleksiyon ay hindi kakunse-konsensiya,” sinabi ni Prop. Danilo Arao, convenor ng Kontra-Daya, sa isang panayam.
Comments (0)