Adhikain sa payapang halalan, pero militar ang solusyon?
Adhikain sa payapang halalan, pero militar ang solusyon?
By Efren J. Domingo
Sa naging talumpati ng Pangulo sa Sultan Kudarat Provincial Hospital noong Setyembre 24, 2021, nagbabala siya na gagamitin ang pwersa ng militar kung kinakailangan para lamang masiguro na magiging tahimik, ligtas, malaya at malayo sa karahasan at banta ng terorismo ang darating na eleksyon.
Ayon sa COMELEC, ang pahayag ng Pangulo ay taliwas kanyang mandato.
Ang pagtawag sa militar para masolusyunan ang anumang kaguluhan sa panahon ng eleksyon ay nasa jurisdiksyon ng Komisyon at wala sa kamay ng Pangulo.
Malinaw lamang na hindi saklaw ng Pangulo ang kapangyarihang magpatawag ng militar sa sitwasyong nalalagay sa alanganin ang proseso ng botohan. Dagdag pa rito, pinagbabawalan din ang pagsusuot ng uniporme at pagdadala ng armas sa labas ng kanilang baraks ang mga pulis at militar sa panahon ng campaign period maliban na lamang kung otorisado at may basbas COMELEC.
Comments (0)