Pinakamataas na Pagpupugay kay Ka Bien
Pinakamataas na Pagpupugay kay Ka Bien
By Efren J. Domingo
Nagdadalamhati sa loob at labas ng akademya sa pagpanaw nng Pambansang Alagad sa Sining sa Panitikan na si Dr. Bienvenido Lumbera. Bagamat nagluluksa ang buong bayan sa pagkawala niya, mananatiling buhay ang kanyang aral na babaunin ng bawat nagmamahal at gumagalang sa dakilang artista ng bayan.
Kinilala ang kanyang husay sa larangan ng sining at panitikan ng prestiyosong Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature and Creative Communications. Nagwagi rin ang kanyang mga akdang pampanitikan sa National Book Awards from the National Book Foundation at Carlos Palanca Memorial Awards. Tunay na hindi maitatanggi ang kanyang kontribusyon lalo na sa larangan ng wika, kultura, at panitikan.
Maswerte ang mga naging mag-aaral, nakadaupang palad, kasama, kaibigan at nakabasa ng mga akda ni Ka Bien dahil sa nagpamulat ang mga ito sa kalagayang panlipunan mula sa iba’t ibang lente tulad ng pelikula, kasaysayan, kritisismo, kulturang popular at iba pa.
Comments (0)