Ano ang nakasalalay sa eleksiyon?
Ano ang nakasalalay sa eleksiyon?
Napatunayan na siguro ng nakaraang mga eleksiyon na hindi dapat iasa sa eleksiyon ang makabuluhang panlipunang pagbabago na ninanais ng mga mamamayang Pilipino. Pero sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa, sa gitna ng pandemya at mga atake sa karapatan, may ilang kagyat na isyung maaaring matugunan sa paghalal ng bagong mga pinuno. Heto ang ilan sa mga isyung ito.
October 8, 2021
By Pinoy Weekly
Pondo at plano para sa pandemya
Nasa huling tatlong buwan na ng taon pero wala pa sa 25 porsiyento ng populasyon ang may kumpletong bakuna.
Panghuli rin ang Pilipinas sa 53 bansa ng Bloomberg Covid Resilience Ranking, na sumusukat sa katatagan sa paglaban sa Covid-19 gamit ang datos sa pagbabakuna, tagal at tindi ng mga lockdown, pagiging bukas at handa sa local at international travel, at bilang ng namamatay sa sakit na Covid-19.
At hanggang sa huling taon nito, “business as usual” ang administrasyong Duterte kung titignan ang 2022 National Expenditure Program nakalaan sa kalusugan at tugon sa pandemya.
Comments (0)