Bawiin natin ang public space
Bawiin natin ang public space
RAPPLER EDITORIAL
Nitong Lunes, Pebero 28, nag-chorus ang kampo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Office of the Solicitor General (OSG) sa paninira sa nilagdaang kasunduan ng Rappler at Commission on Elections. Ang memorandum of agreement (MOA) ay kasunduang magtulungan sa paglaban sa disinformation at pagsulong ng voter awareness.
Sabi ng campaign manager ni Marcos Jr. na si Benhur Abalos, dapat daw umatras ang Comelec sa kasunduan dahil “foreign entity” ang Rappler. On cue, kumanta naman si Solicitor General ng ganitong awit: Paglabag ng Konstitusyon ang MOA ng Rappler at Comelec.”
Kung hindi ‘nyo pa kabisado ang likaw ng bituka ni SolGen, ikinampanya niya si Marcos noong 2016, at consistent siya sa pagpanig sa interes ni Marcos. Mayroon pa siyang banta sa Comelec: “I-rescind ang MOA sa loob ng 5 araw,” kung hindi’y mapipilitan daw ang OSG bilang people’s lawyer na magsampa ng kaso at ipawalang-bisa ang MOA.”
Comments (0)