Korupsiyon sa DepEd, nalantad
Korupsiyon sa DepEd, nalantad
By Eriell Estrada
Pinoy Weekly
Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang paggamit ng Department of Education (DepEd) sa nakalaang P2.4 bilyong pondo sa pagbili ng mga mahal ngunit luma at mababang-kalidad na laptop noong 2021.
Bigat sa pakiramdam at pagkadismaya naman ang naramdaman ng mga guro sa pagbili ng gobyerno ng mga mababang kalidad na laptop sa malaking halaga na ipinamahagi pero hindi naman maayos na magamit sa pagtuturo.
“Masakit sa dibdib namin ito kasi we’ve been calling the provision for laptop computers for teachers since the onset of pandemic kasi ito yung gamit para sa pagtuturo,” sabi ni Raymond Basilio, pangkalahatang-kalihim ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa panayam ng programang Agenda ng One News.
Comments (0)