Sa gitna ng nag-uumpugang bato
Sa gitna ng nag-uumpugang bato
Pinoy Weekly Editoryal
Iilang peryodista lang ang pinayagang pumasok sa Malakanyang para sa pinag-isang pagbabalita nang bumisita si US Secretary of State Antony Blinken kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Agosto 6.
Pinatampok sa balita ang “balot-sa-bakal” na pangako ng US sa Mutual Defense Treaty. Hindi gaanong tinalakay ang karapatang pantao at walang nagpag-usapan hinggil sa press freedom gaya ng unang inanunsyo ng US State Department. SUmentro ang talakayan sa usapin ng pamumuhunan, kalakalan, climate change, clean energy at Covid-19.
Dumaan si Blinken sa Pilipinas matapos ang pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Nataon din na bumisita si US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan — unang pagbisita ng mataas na opisyal ng US sa bansa sa loob ng 25 taon. Lubha itong ikinagalit ito ng China dahil sa One China Policy na kinikilala ng US mula 1979 at isang prinsipyo sa diplomasya kahit ng United Nations mula pa 1971.
Binatikos ng kanluraning midya ang China sa pagpapalipad ng mga ballistic missile sa isinagawang military exercises sa karagatan sa tapat ng Taiwan. Pero walang bumatikos sa airstrike ng Israel sa Gaza na ikinasawi ng 14 na tao sa parehong panahon.
Comments (0)