Pelikulang nagmumulat, libre!
Pelikulang nagmumulat, libre!
By PW Admin
Pinoy Weekly
Para sa direktor na si Hector Barreto Calma, “luxury” o luho na ang panonood ng sine. Napakamahal na kasi ng presyo nito. Hindi na abot-kaya ng karamihan, lalo na sa harap ng nagtataasang bilihin.
Kaya kapuri-puri ang inisyatiba ng iba’t ibang organisasyon sa sining at midya na magpalabas ng libreng mga pelikula. Ang kanilang ipinapalabas, hindi lang basta sine, kundi mga pelikulang kumokontra rin sa talamak na pambabaluktot sa kasaysayan.
Tuluy-tuloy ang paglulunsad ng Altermidya (People’s Alternative Media Network) ng kanilang mobile cinema program sa ilalim ng AlternaTV. Isa sa bago nilang programa ay “Ang Katotohanan sa mga Marcos at Martial Law,” libreng mga pelikula ng iba’t ibang direktor tungkol sa mga Marcos at sa Martial Law na ipinapalabas sa mga komunidad, paaralan at online.
Nakita ng grupo ang pangangailangan na ilapit ang mga pelikula sa tao dahil limitado lang ang kayang abutin ng social media. Ayon kay Chantal Eco ng Altermidya, mas paborable ang mobile cinema dahil nagagawa nila magkaroon ng diskusyon o mag-kuwentuhan pagkatapos ng palabas.
Comments (0)